LONDON – Hindi nagpunta ang mga Lithuanians sa venue para magpa-autograph sa mga Americans.
Tinapatan ng Lithuania ang Team USA sa fourth quarter bago kumamada ang mga American sa dulo para sa kanilang 99-94 panalo sa 30th Olympic Games.
Ito ang pang apat na sunod na panalo ng US, nanggaling sa isang 83-point win (156-73) kontra sa Nigeria.
Nahirapan ang US sa final canto bago kumayod si three-time Olympian LeBron James nang humugot ng siyam sa kanyang 20 points sa huling apat na minuto.
Naungusan ng Lithuania (1-3) ang US ng dalawang puntos sa huling anim na minuto ng laro hanggang maglunsad ang nagdedepensang kampeon ng isang 15-4 atake patungo sa kanilang panalo.
Nagsalpak si James ng isang 3-pointer at isang dunk matapos ang agaw ni Chris Paul para selyuhan ang kanilang tagumpay.
Tumipa si Carmelo Anthony ng 20 points kasunod ang 16 ni Kevin Durant.
Susunod na makakalaban ng US ang Russia, nanalo sa Spain, 77-74.