^

PSN Palaro

Tiu magpapa-draft na rin sa PBA

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagbago na ang isip ni dating collegiate star Chris Tiu.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ng dating Blue Eagle ng Ateneo De Manila University, na isinumite na niya ang kanyang aplikasyon para sa 2012 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft na nakatakda sa Agosto 19 sa Robinson’s Midtown Manila.

“Dropped my application at d PBA office this morning,” wika ng 5-foot-11 na si Tiu sa kanyang Twitter account.

Nadismaya si Tiu nang hindi mapasama ang kanyang pangalan sa Smart Gilas II lineup na gagabayan ni Chot Reyes, binitawan na ang Talk ‘N Text na sasaluhin naman ni Ateneo mentor Norman Black sa 38th season ng PBA.

Inisip ni Tiu na magne­gosyo na lamang base na rin sa kanyang tinapos na Bachelor of Science in Management Engineering at Bachelor of Science in Applied Mathematics sa Ateneo.

Ngunit nagdesisyon si Tiu, isa ring model at TV host, na magsumite ng kan­yang aplikasyon sa 2012 PBA Rookie Draft sa pamamagitan ng kanyang Tweet na “Hello PBA :).

APPLIED MATHEMATICS

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BACHELOR OF SCIENCE

BLUE EAGLE

CHOT REYES

CHRIS TIU

MANAGEMENT ENGINEERING

MIDTOWN MANILA

N TEXT

NORMAN BLACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with