Manila, Philippines - Sa pagkadismaya ni B-Meg coach Tim Cone sa pamamahala ng mga referees sa laro ay inihagis niya ang isang monoblock chair sa gitna ng court sa 7:21 ng fourth quarter sa Game One ng kanilang championship series ng Rain or Shine para sa 2012 PBA Governors Cup noong Linggo sa Smart-Araneta Colisuem.
“Physicality is great out there. Our guys are being frustrated. Some of our guys are hit on the testicles and tried to tell the ref but it fell on deaf ears,” ani Cone.
Ang paghahagis ng silya ni Cone ay isang paraan para marinig siya ng mga referees.
Mula sa pagkakahugot ni import Marqus Blakely ng kanyang pang limang foul sa 3:45 ng third period at pagkakatalsik kay Cone sa final canto, natalo ang Llamados sa Elasto Painters, 80-91, sa kanilang series opener.
Ayon kay Cone, sumobra sa pagiging pisikal ang Rain or Shine ni mentor Yeng Guiao.
“One thing is to be strong and physical. It’s another thing when you give an elbow,” reklamo ni Cone.
HIndi naman pinansin ni Guiao ang pahayag ng 14-time champion coach na si Cone.
“We’re just playing tougher defense and this is the finals. (Cone) should understand that,” sabi ni Guiao.
Inireklamo naman ni Guiao si 6-foot-8 Yancy De Ocampo.
“From the very beginning, from our first match in the elims, Yancy has been swinging his elbows every time he’s in possession. He hasn’t got a warning,” ani Guiao.