Adamson duo Petron beach volley champ

Manila, Philippines -  Umiskor si Paulina Soriano ng siyam na krusyal na puntos mula sa kanilang atake sa second set upang dominahin niya at teammate na si Sheila Mae Pineda ang third leg ng 2012 Petron Ladies Beach Volley tournament sa sandcourts ng University of the East-Caloocan campus kahapon.

Ang pag-iinit ni Soriano ang nagbigay sa kanilang koponan ng lakas upang itakas ang 21-14, 21-11 upset na panalo laban sa paboritong University of the East-Ca­loocan rivals na sina Francislyn Cais at Jessica Paron at ibulsa ang kauna-unahang Petron volley circuit crown sa torneong ito na suportado ng Speedo at Mikasa.

“Kumpiyansa na kami pagkatapos namin makuha ang first set. Mas focused kami sa receives and serves,” wika ni Soriano, isang 19-year-old management junior sa Adamson University.

Ang panalo ng Adamson duo ay nagdala sa kanila sa Petron Battle of the Champions sa Oktubre kasama ang tinalong UE tandem.

Show comments