SMART national poomsae sisipa sa Hulyo 22
MANILA, Philippines - Itatampok nina world poomsae (forms) bronze medalists Camille Alarilla, Rani Ortega at Janice Lagman ang kanilang talento sa kanilang paglahok sa SMART national poomsae taekwondo championships sa Hulyo 22 sa Ninoy Aquino Stadium.
Sina Alarilla, Ortega at Lagman, sinikwat ang bronze medal sa team competition sa world event, ay ilan lamang sa 1,500 partisipante sa event na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association at itinataguyod ng SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, MILO at Philippine Sports Commission.
Ang mga kalahok ay magmumula sa iba’t ibang rehiyon katulad ng ARMM, CAR, CARAGA at National Capital Region.
Sasabak sila sa individual standard, pair at team free style, synchronized poomsae at creative poomsae.
Ang mga taekwondo athletes ang siyang kakatawan sa kanilang mga chapters kasama ang Powerflex, Ateneo, San Sebastian College, UP, San Beda College, De La Salle Zobel, De La Salle University, More Than Medals, Korean Taekwondo Committee (KTC), Team Baguio, Pangasinan, UTA-Tigers, PNP at AFP.
- Latest
- Trending