McGee pumirma uli sa Nuggets

DENVER--Isang four-year contract na nagkakaha­­la­ga ng $44 milyon ang pinirmahan ni free agent center JaVale McGee sa Denver Nuggets.

Ito ang inihayag ni Masai Ujiri, ang executive vice pre­sident of basketball operations ng Nuggets, noong Miyerkules hinggil sa muling paglalaro ni McGee sa Denver.

Ang 24-anyos na si Mcgee ay nagposte ng mga ave­rages na 11.3 points, 7.8 rebounds at 2.16 blocked shots sa 61 laro noong nakaraang season para sa Washington Wizards at sa Nuggets, kumuha sa kanya kapalit ni Nene sa isang trade noong Marso.

Ang seven-footer na si McGee ay kinukuha ng Samahang Basketbol ng Pilipinas bilang isang ‘naturalized player’ para makatulong ni 6’11 Marcus Douthit sa Smart Gilas II ni coach Chot Reyes.

“I don’t think I’ve ever coached a guy like this. He has the moves of a 6-6 player,” pagpuri sa kanya ni Nuggets’ mentor George Karl matapos ang magandang ipinakita niya sa playoff kontra sa Los Angeles Lakers.

Nauna rito, muling pinalagda ng kontrata ng Nuggets si free agent point guard Andre Miller

Show comments