PHOENIX--Pinatibay ng Phoenix Suns ang kanilang frontline matapos mabingwit si forward Luis Scola.
Nakipaghiwalay na ang Suns kay point guard Steve Nash noong nakaraang buwan at nabigong mahugot si Eric Gordon nang tapatan ng New Orleans ang kanilang $58 million, four-year offer sheet.
Nakuha ng Phoenix ang 6-foot-9 na si Scola matapos itong pakawalan ng Houston sa kanilang paggamit ng amnesty clause.
“We are excited to have won the bid for Luis Scola and to add a player of his caliber to our roster,” ani Lon Babby, ang president of basketball operations ng Suns.
Sa Houston, nagtala si Scola ng mga averages na 14.5 points at 7.7 rebounds sa limang seasons. Humakot siya ng 2,984 rebounds para maging siyam sa career list ng Rockets.
Nakatakdang kumampanya si Scola para sa Argentina sa 2012 London Olympics.