Ricardo Brown sa PSA ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni da­ting Philippine Basketball Association Most Valuable Pla­yer Ricardo Brown ang mga bisita sa PSA Forum ngayong umaga sa Sha­key’s U.N. Ave.

Ito ang unang public appearance ni Brown na da­ting star point guard ng Great Taste at San Miguel sa sesyon na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Smart, Phi­lippine Amusements and Gaming Corporation at Shakeys.

Dahil sa dami ng bisita, si­nabi ni PSA President Rey Bancod ng Tempo na mag­sisimula ang forum ng alas-10 ng umaga.

Dadalo rin ang mga ko­po­nan ng Cebu at Manila, mag­lalaban sa Baseball Philippines Series 9 Finals, bu­kod pa sa mga opisyales ng Pacific X-Treme Combat (PXC).

Magiging bisita rin si E­bong Joson na tatalakayin ang draw event ng AFF Su­zuki Cup 2012 at mga exe­cutives ng Milo Little Olympics at SBP-Paserelle Twin Tournament sa pa­ngu­­nguna nina Milo Sports’ Rob­bie De Vera, Pat Goc-Ong at Dr. Robert Calo. 

Show comments