^

PSN Palaro

Avenido hinirang na locals ABL MVP

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sinuklian ang paghihirap ni San Miguel Beermen shooter Leo Avenido sa elimination round nang siya ang hirangin bilang Most Valuable Player sa hanay ng mga locals na naglaro sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League.

Si Avenido ay nagtala ng 14.86 puntos kada laro na pinakamataas sa mga locals para tulungan ang Beermen na maging number one matapos ang triple-round elimination sa 17-4 baraha.

Ang SMB ang ikatlong koponan na nilaruan ni Avenido matapos sumabak din sa Brunei Barracudas at Singapore Slingers pero ito lamang ang unang pagkakataon na nanalo siya ng MVP mula sa mga coaches na siyang bumoto sa ibinigay na individual awards.

 Tinalo niya sa parangal sina AirAsia Philippine Patriots guard Al Vergara at Indonesia Warriors guard Mario Wuysang.

Ang iba pang binigyan ng award ay si Patriots import Anthony Johnson bilang Best Import, Warriors coach Todd Purves at import Steve Thomas bilang Coach of the Year at Defensive Player of the Year.

AL VERGARA

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

BEST IMPORT

BRUNEI BARRACUDAS

COACH OF THE YEAR

DEFENSIVE PLAYER OF THE YEAR

INDONESIA WARRIORS

LEO AVENIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with