^

PSN Palaro

2013 2nd round pick ng Thunder ibinigay sa Celtics

- The Philippine Star

NEW YORK--Ibinigay ng NBA sa Boston Celtics ang isang 2013 second-round pick ng Oklahoma City Thunder mula sa isang kontrobersyal na trade na kinasangkutan ni Jeff Green, hindi naglaro ngayong season dahil sa isang heart surgery.

Sinabi ni NBA Commis­sioner David Stern na wa­lang ebidensya na nagsasabing itinago ng Thunder ang impormasyon sa Cel­tics kaugnay sa tunay na kondis­yon ni Green.

Alam ng mga cardiologists na may sakit sa puso si Green ngunit hindi ito ibinunyag sa Oklahoma City management at dapat ay sinabi rin sa Celtics.

Nakuha ng Boston si Green sa 2011 trade deadline sa isang kasunduan na nagdala kay Kendrick Perkins sa Oklahoma City.

Ang lahat ng NBA teams ay kailangang isiwalat ang kasaysayan ng isang player na nasangkot sa trade na maaaring makaapekto sa kanyang paglalaro at kinabukasan.

Sa Detroit, dinala ng Detroit Pistons si guard Ben Gordon at isang future first-round draft choice sa Charlotte Bobcats kapalit ni swingman Corey Maggette na nagbawas sa kanila ng halos $15 milyon sa salary cap.

Nagtala si Gordon ng average na 12.5 points sa nakaraang season, tampok ang 45 points niya laban sa Denver Nuggets kung saan niya dinuplika ang kanyang NBA record sa pagsalpak ng 9-for-9 shooting sa 3-point line.

 Tatlong seasons ang itinagal ng 2005 NBA Sixth Man of the Year sa Detroit.

BEN GORDON

BOSTON CELTICS

CHARLOTTE BOBCATS

COREY MAGGETTE

DAVID STERN

DENVER NUGGETS

DETROIT PISTONS

JEFF GREEN

KENDRICK PERKINS

OKLAHOMA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with