^

PSN Palaro

6 pang Pinoy nakalusot sa loser's bracket

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ginulat ni Jundel Mazon si Shane Van Boening ng USA, 9-4, sa Group C para pangunahan ang anim na Filipino pool players na nalusutan ang loser’s bracket at makalaro sa Knockout stage sa idinadaos na 2012 World 9-ball Championship sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar.

Bukod kay Mazon, sina Dennis Orcollo, Marlon Ca­ne­da, Elvis Calasang, Joven Alba, Israel Rota ang iba pang nakahabol ng puwesto sa Last 64.

Kinalos ni Orcollo ang kababayang si Raymund Faraon, 9-2 sa Group O; si Caneda ay umiskor ng 9-3 panalo kay Ceri Worts ng New Zealand sa Group N; si Calasang ay wagi kay Al Amar Abdul Rahman ng Kingdom of Saudi Arabia, 9-7 sa Group K at sina Alba at Rota na naglaro sa Group P ay nanaig kina Afou Nayf Abdel ng Jordan, 9-5, at David Anderson ng South Africa, 9-7.

Minalas naman sina Joyme Vicente at Ramil Gallego na lumasap ng 8-9 at 7-9 na pagkatalo laban kina Huidi See ng Netherlands sa Group A at Hsu Kai Lun ng Chinese Tai­pei upang mamaalam sa torneo.

Umabot sa 12 ang Pinoy cue artists na nasa knockout stage pero mababawasan agad sila ng isa dahil magtatapat agad sina Mason at Ronato Alcano.

Ang iba pang tagisan ay sa pagitan nina Francisco Bustamante at Chao Fong Pang, Efren “Bata” Reyes at Toh Lian Han, Lee Van Corteza at Serge Das, Antonio Ga­bica at Mario He, Carlo Biado at Ohi Naoyuki, Roberto Gomez at Liu Haitao, Orcollo at Andrew Kong, Caneda at Nick van den Berg, Rota at Hao Xiang Han, Calasang at John Morra, Alba at Chang Jung Lin.

AFOU NAYF ABDEL

AL AMAR ABDUL RAHMAN

AL SADD SPORTS CLUB

ANDREW KONG

ANTONIO GA

CALASANG

CANEDA

CARLO BIADO

CERI WORTS

CHANG JUNG LIN

CHAO FONG PANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with