'Bigyan n'yo ng Medalya ang Pinas!'

MANILA, Philippines - Iba’t-iba man ang plano hinggil sa kanilang paghahanda, iisa naman ang na­raramdaman ng mga man­lalarong nakakuha ng puwesto sa London Olympics, at ito ay ang pananabik na makasukatan ang pinakamahuhusay na atleta sa buong mundo.

“It’s the experience to com­pete with high class athletes, the best of the best, na bihirang mangyari,” wika ni Jasmine Al­khaldi, isang baguhan sa Olympics na nais ding makita ng malapitan ang iniidolong si Michael Phelps.

Ganito rin ang tinuran nina swimmer Jessie King Lacuna, tracksters Rene Herrera at Marestella Torres, boxer Mark Anthony Barriga, weightlifter Hidilyn Diaz at shooter Brian Rosario na dumalo sa sendoff party noong Lunes ng gabi sa Blue Leaf Events Pavillion sa Taguig City.

May 11 atleta ang Pilipinas sa London pero wala sa bansa sina Fil-Japanese judoka Tomohiko Hoshina at Fil-Am BMX rider Daniel Caluag habang pabalik pa lamang mula US ang archers na sina Mark Javier at Rachel Ann Cabral-Dela Cruz.

“Masarap ang pakiramdam dahil noon ay tumatakas pa ako sa school at napapagalitan para makapagboksing lamang. Ngayon hindi talaga ako nagsisisi dahil may nakamit ako ngayon,” wika naman ni Barriga, ang 19-anyos, 5-foot boxer.

Hindi nakadalo si Pa­ngu­long Benigno S. Aquino sa pagtitipong handog ng TV5 sa pakikipagtulu­ngan ng Philippine Olympic Committee (POC) pero nag­­padala siya ng mensa­he na binasa ni Energy Sec­retary Jose Rene Almendras.

Pinuri niya ang kabayanihang ginawa ng 11 atleta nang naipasok ang mga sarili sa Olympics pero kasabay nito ay ang hamon na bigyan ng medalya ang Pilipinas.

“As we send off our Olympians on their journey to London, all Filipinos stand together in support of our champions. After all, as much as the Olympics is about international coo­peration, we still want to win recognition for our country and we want the athletes we are sending off today to do precisely that. We want them to stand atop the podium with medals around their necks, bringing glory to our nation, and filling the hearts of each Filipino with pride.” wika ng Pangulo.

“I know the world may not be expecting us to take home multiple gold medals. But I believe in the capacity of the Filipino to surprise. I believe in the capacity of the Filipino to be excellent in anything they do- to be world class,” dagdag ni Aquino.

Para kay POC president Jose Cojuangco Jr., ma­saya na siya at may nakapasok na Filipino athletes sa London dahil sa hirap na makapag-qualify at ang mahinang suporta na natatanggap ng Pinoy athletes.

Sina PSC chairman Ricardo Garcia, sportspatron Manny V. Pangilinan, Philippine Olympians Association president Art Macapagal at mga pangulo o opisyal ng mga sports na nakapaglahok ng manlalaro sa London ang iba pang dumalo sa pagtitipon.

Show comments