Azkals defender na si Cagara kinuha ng German football club

MANILA, Philippines - Pumirma ng kontrata si Phi­lippine Azkals defender Den­nis Cagara sa German club na Karlsruher SC (KSC) na sumasabak sa third division ng football sa Ger­many.

Sa isang statement, ini­hayag ng KSC na sila ay "committed to left-back Dennis Cagara."

Nawalan ng koponan si Cagara matapos hindi ku­nin ng FSV Frankfurt, ku­makampanya sa second di­vision, ang kanyang contract option.

“The 27-year-old defensive player signed a contract un­til June 30, 2014,” wika ng KSC kay Cagara.

Si Cagara, may dugong Fi­lipino at Danish, ay unang naglaro para sa Azkals no­ong Oktubre ng 2011 sa ka­­nilang friendly match ng Singapore.

Pinuri ni KSC head coach Mark Kauczinki si Ca­gara bilang isang "fast and technically skilled player.”

Nalaglag ang KSC sa third division makaraang tu­­mapos bilang pang 16 sa se­cond division noong na­ka­raang season.

Naglaro ang KSC sa first division na Bun­­desliga.

Show comments