PARIS --- Maaaring hindi makalaro si French basketball star Tony Parker para sa 2012 London Olympic Games dahil sa kanyang eye injury na kanyang nalasap sa isang gulo sa nightclub sa New York.
Naipit si Parker, ang point guard ng San Antonio Spurs sa NBA, sa rambol sa pagitan ng mga grupo nina R&B singer Chris Brown at rapper Drake.
Nagkaroon ng bubog ang kanyang mata at sinabing natatakot siyang mabulag.
Idinemanda niya ang mga may-ari ng W.i.P. (Work in Progress) club sa SoHo sa Manhattan.
Ayon kay Parker, pinayagan ng mga may-ari na magtagpo ang tropa nina Brown at Drake na matagal nang may alitan.
Nakatakda sanang makipagkita si Parker sa French basketball team noong Linggo, ngunit babalik na lamang sa United States sa Hulyo 5 para humanap ng isang eye specialist at makipag-usap na rin sa mga San Antonio officials.
"I will be seeing a specialist in New York and hope to get clearance to take part in the Olympic Games," wika ni Parker, sandigan ng France sa Olympic Games.
"The Spurs are very worried. Depending on the results, anything could happen including my withdrawl from the Games,” dagdag pa ng French cager. “The final decision is not mine to take. It's up to the doctor and San Antonio."