^

PSN Palaro

Parker hindi makakalaro sa Olympics

- The Philippine Star

PARIS --- Maaaring hin­­di makalaro si French bas­ketball star Tony Par­ker para sa 2012 London Olympic Games dahil sa kan­yang eye injury na kanyang nalasap sa isang gulo sa nightclub sa New York.

Naipit si Parker, ang point guard ng San Antonio Spurs sa NBA, sa rambol sa pagitan ng mga grupo ni­­na R&B singer Chris Brown at rapper Drake.

Nagkaroon ng bubog ang kanyang mata at si­nabing natatakot siyang ma­bulag.

Idinemanda niya ang mga may-ari ng W.i.P. (Work in Progress) club sa So­Ho sa Manhattan.

Ayon kay Parker, pina­yagan ng mga may-ari na mag­tagpo ang tropa nina Brown at Drake na matagal nang may alitan.

Nakatakda sanang ma­kipagkita si Parker sa French basketball team no­ong Linggo, ngunit babalik na lamang sa United States sa Hulyo 5 para humanap ng isang eye specialist at ma­­­kipag-usap na rin sa mga San Antonio officials.

"I will be seeing a specialist in New York and ho­pe to get clearance to ta­ke part in the Olympic Ga­mes," wika ni Parker, san­digan ng France sa Olympic Games.

"The Spurs are very wor­ried. Depending on the re­sults, anything could happen including my withdrawl from the Games,” dagdag pa ng French cager. “The fi­nal decision is not mine to take. It's up to the doctor and San Antonio."

AYON

CHRIS BROWN

LONDON OLYMPIC GAMES

NEW YORK

OLYMPIC GA

OLYMPIC GAMES

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

SHY

TONY PAR

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with