Bata, Django tumumbok ng panalo sa World 9-ball

MANILA, Philippines - Pitong Filipino cue ar­tists ang nagsipanalo sa ope­ning matches sa pag­sar­go kahapon ng 2012 World 9-ball Championships sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar.

Nanguna sa mga nag­pasikat ang mga dating kam­peong sina Efren “Ba­ta” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa group elimination.

Tinalo ng 1999 champion na si Reyes si Philipp Sto­janovic ng Croatia, 9-3, sa Group One, habang ang 2010 titlist na si Bustamante ay nangibabaw kay Lo Li-wen ng Chinese Taipei, sa Group Nine.

Ang iba pang nagsipa­na­lo ay sina Carlo Biado, Ro­berto Gomez, Ramil Gal­lego, Jundel Mazon at Joy­me Vicente.

Show comments