Azkals wagi sa Guam, 3-0

BACOLOD, Philippines--Sinabi ni coach Michael Weiss na dapat nang makuntento ang mga football fans sa 3-0 panalo ng Philippine Azkals laban sa Guam sa Fifa friendly noong Martes sa Panaad Park and Stadium.

“We should be satisfied. We dominated the match very clearly and we had many, many goal-scoring opportunities,” ani Weiss sa presscon matapos ang kanilang panalo kung saan nagsalpak ng goals sina Angel Guirado’s brace (7th minute at 46th minute) at Carli de Murga (12th minute).

Ang goal ni Guirado, para sa Azkals, ang nagpasimula sa magkakasunod na atake ng Azkals laban sa Guam.

Ang kapwa Fil-Spa­niard na si De Murga, isang defender, ang nagbigay sa Azkals ng 2-0 lamang bago ang header ni Guirado found mula sa free kick ni Dennis Cagara bago ang half time.

“I was very happy with the two goals but what’s important is the team won,” wika ni Guirado. “This is a good preparation for the AFF Suzuki Cup and we’ve also seen that little by little, the Phl as a team is progressing, the level getting higher.”

Sinabi naman ni De Murga na ang utos ni Weiss ay umatake rin ang mga defenders.

Show comments