Hickerson nagpasiklab, ibinangon ang Energy
Manila, Philippines - Bagamat may jetlag pa, humakot pa rin ang balik-import na si Leroy Hickerson ng 32 points para tulungan ang Energy na makabangon mula sa isang two-game losing skid.
Bumawi ang Barako Bull mula sa isang 13-point deficit sa third period upang talunin ang nagdedepensang Petron Blaze, 111-107, sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.
Nagdagdag si Ronald Tubid ng 17 points, walo dito ay kanyang ginawa sa final canto, bukod pa sa 4 rebounds at 4 assists para sa Energy.
“He’s in shape pero sa pre-game huddle namin, his eyes were red,” ani coach Junel Baculi kay Hickerson, naging import ng Air21 noong 2010 Fiesta Cup.
May 2-2 baraha ngayon ang Barako Bull katabla ang Barangay Ginebra at Powerade sa ilalim ng Rain or Shine (4-0), B-Meg (3-1) at Petron (3-2) kasunod ang Air21 (1-2), Alaska (1-3), Talk ‘N Text (1-3) at Meralco (1-3).
Ang freethrow ni Alex Cabagnot ang nagbigay sa Boosters ng 13-point lead, 65-52, hanggang makalapit ang Energy sa 88-91 agwat sa 11:04 ng fourth quarter sa likod nina Hickerson, Tubid, two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller at Don Allado.
Huling natikman ng Petron ang unahan sa 107-105 mula sa basket ni import Eddie Basden sa 1:19 ng laro kasunod ang ratsada nina Miller at Tubid para sa 110-107 bentahe ng Barako Bull sa huling 13.8 segundo.
- Latest
- Trending