^

PSN Palaro

UST, Ateneo matinding bakbakan ang magaganap

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Asahan na mas ma­init ang magaganap na ta­­gisan sa pagitan ng Ateneo at UST sa Linggo na kung saan nakataya rito ang kampeonato sa 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart.

Tiyak na preparadung-preparado ang nagdedepensang Lady Eagles at six-time champion Lady Tigresses bunga ng pagkakaroon ng apat na araw na break sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Binuhay pa ng Ateneo ang hangaring maidepensa ang hawak na titulo sa ligang may suporta rin ng Accel at Mikasa nang isubi ang 25-17, 22-25, 25-21, 28-26 tagumpay noong nakaraang Martes upang itabla ang best of three series sa 1-all.

Si Alyssa Valdez ay mayroong 31 puntos na ki­natampukan ng 22 kills at 8 service aces pero may suporta siya sa ibang kasamahan tulad ng off the bench na si Ella de Jesus na gumawa ng apat na puntos sa fourth set na napanalunan ng Lady Eagles.

Isang bagay na pilit na pag-iibayuhin ng koponang hawak ni coach Roger Go­rayeb ay ang kanilang errors na kinakitaan ng 19 puntos ng UST.

“Tense sila sa laro kaya maraming errors,” wika ni Gorayeb.

Ang UST naman ay aasang mananatiling matibay ang larong ipakikita nina Judy Caballejo, Maika Ortiz, Maruja Banaticla at 6’2 Thai import Utaiwan Kaensing.

Ang mga nabanggit na manlalarong ito ay nag­sanib sa 58 hits pero minalas sila na napunta ang break sa Ateneo sa mahahalagang tagpo ng laro upang maitakda ang deciding game.

Isang manlalaro rin na aasahan ni coach Odjie Mamon ay ang beterana at dating MVP na si Mary Jean Balse na aasahan ang kanyang liderato para sa puno ng tensyong huling tunggalian ng dalawang koponan.

ATENEO

ISANG

JUDY CABALLEJO

LADY EAGLES

LADY TIGRESSES

MAIKA ORTIZ

MARUJA BANATICLA

MARY JEAN BALSE

ODJIE MAMON

ROGER GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with