Elite, Gems ikakasa ang semis

MANILA, Philippines - Ilagay ang sarili sa Final Four ang pagpupursigihan ng Cebuana Lhuillier at Blackwater Sports sa pagbubukas ngayon ng PBA D-League Foundation Cup quarterfinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tiyak na ibubuhos ng Gems ang lahat ng ka­ni­lang makakaya para ta­lunin ang Café France sa kanilang alas-4 ng hapong labanan at pawiin ang kabiguan na agad na ipasok ang sarili sa Final Four.

Tinapos ng tropa ni coach Beaujing Acot ang single round elims tangan ang 7-2 karta at nakapantay ang Big Chill sa mahalagang ikalawang puwesto.

Sasagupain muna ng Elite ang RnW Pacific Pipes sa unang tagisan sa ganap na alas-2 ng hapon at nais din ng koponan ni coach Leo Isaac na maipanalo ang laro upang umabante na sa semifinals.

Tinapos ng Elite ang elims taglay ang 6-3 karta para magkaroon din ng twice to beat advantage sa Steel Masters.

Tinalo rin ng Elite ang Steel Masters sa naunang pagkikita sa 84-72 iskor na magdaragdag kumpiyansa sa kanilang manlalaro.  

Show comments