MANILA, Philippines - Ang mga posisyon para sa national pool ang nakataya sa pagsisimula ng dragonboat at canoe-kayak competitions ng POC-PSC National Games sa Hunyo 1-3 sa Lake Caliraya sa Laguna.
Sinabi ni Philippine Canoe Kayak Federation Inc. (PCKF) president Dr. Sim Chi Tat na ang kompetisyon ay bukas sa lahat ng dragonboat at canoe-kayak enthusiasts.
Suportado ng PSC at POC, ang pagpaparehistro ay maaaring idaan sa www.png.psc.gov.ph, o sa pamamagitan ng PCKF technical organizer mobiles 09052245498 at 09063261238, landline 02-2431357 o sa email addresses na pckf.philippines@hotmaill.com o jonne_go23@yahoo.com.
Ang mga top performers ay isasama sa national team para sa paglahok sa 3rd Asian Beach Games sa Haiyang, China na nakatakda sa Hunyo 16-22.
Naging matagumpay ang pag-iisa ng canoe kayak at dragonboat matapos kumuha ang national dragonboat teams ng isang gold, dalawang silver at dalawang bronze medals sa 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia.
Ang mga kayak events sa Caliraya ay ang 200 at 500 meters sa men’s at women’s sprint single, touring single at touring double, habang ang mga canoe events ay ang 200 at 500 meters sa men’s at women’s sprint single.
Sa dragonboat, ang mga events ay ang 200 at 500 meters para sa men’s 20 crew, women’s 10 crew at 20 mixed crew.