SMBeermen, dragons mag-aagawan sa game 1
MANILA, Philippines - Agawan sa mahalagang unang panalo ang magaganap sa pagitan ng San Miguel Beermen at Westports Malaysia Dragons sa pagbubukas ng 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) semifinals ngayon sa Olivarez Gym sa Parañaque City.
Ganap na alas-4 ng hapon itinakda ang bakbakan at ang Beermen ay pinapaboran na manalo matapos angkinin ang number one spot sa pagtatapos ng triple round eliminations sa 17-4 karta upang kunin din ang homecourt advantage.
“Winning the first game would put pressure on the other team especially in a short series like this. We’ll definitely try to win this game and then see what happens,” wika ni Beermen coach Bobby Ray Parks Sr.
Bagamat tumapos sa pang-apat na puwesto sa elims sa 11-10 karta, maipagmamalaki naman ng Dragons na dominado nila ang Beermen matapos angkinin ang naunang dalawa sa tatlong pagkikita.
Ngunit isinantabi ni Parks ang bagay na ito dahil sina Nick Fazekas at Duke Crews na ang import ng koponan at siyang naghatid ng panalo sa Beermen sa huling pagtutuos.
Anuman ang sabihin, mataas rin ang morale ng bisitang koponan dahil nasa 100 percent na uli ang kanilang mga pambatong imports na sina Tiras Wade at Brian Williams.
Ang Dragons ang number one scoring team sa liga sa kinakamadang 84.5 puntos at ito ay nangyari dahil sina Wade at Williams ay nagtatambal sa 46 puntos.
Ang Beermen ay kilala sa kanilang depensa matapos payagan lamang ang mga nakatunggali sa 72.7 puntos pero hindi nila uurungan ang Dragons kung opensa ang pag-uusapan dahil bukod kina Fazekas (22.7 puntos, 14 rebounds at 1.8 blocks), at Crews (16 puntos).
- Latest
- Trending