Castilo, Carlos papalo sa F4
MANILA, Philippines - Umiskor ng panalo sina top seed Gelita Castilo at No. 2 Bianca Carlos ng Golden Shuttle Foundation para makapasok sa semifinal round ng ladies Open’s singles sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) circuit sa Metro Sports Center sa Lahug, Cebu City kahapon.
Tinalo ni Castilo si Annelyn Alba ng Valiant Badminton Club, 21-6, 21-12, para makatagpo sa semis si No. 7 Jen Cayetano.
Umiskor naman ni Carlos ng 21-13, 21-14 tagumpay laban kay Kim Mayono para sa kanilang Final Four duel ni third seed Bianca Legaspi, binigo si Kristina Tan, 12-21, 21-16, 21-17, sa premier class ng event na suportado ng GOAL Pilipinas at inorgani-sang Philippine Badminton Association.
Sa men’s Open singles, ginitla ni Jose Benipayo si Paul Vivas, 14-21, 22-20, 21-19, bago nakalasap ng 16-21, 21-23 kabiguan kay No. 11 Andrei Babad.
Makakatapat ni Babad sa semis si No. 13 Ralph Ian Mendez, pinayukod si No. 10 Jason Obaob, 21-16, 21-18.
Nagtala naman si top seed at defending four-leg champion Toby Gadi ng isang 21-15, 21-11 panalo kontra kay Kevin Dalisay para sa kanilang semis match ni third seed at kapwa national team mainstay Peter Gabriel Magnaye, iginupo si No. 14 Christopher Flores, 12-21, 22-20, 21-14.
Nakapasok rin sa semis si Carlos sa girls’ Under-19 mula sa isang 21-11, 21-10 pananaig kay Samantha Ramos.
Makakalaban niya sa semis si Marina Caculitan, sinibak si No. 4 Shaina Osorio bago patalsikin si sixth seed Nicole Magno, 21-19, 21-19.
- Latest
- Trending