^

PSN Palaro

Lady Stags, Bulldogs magpapatayan para sa huling puwesto sa semis

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Agawan sa mahalagang panalo ang mangyayari sa pagitan ng National University at San Sebastian sa pagpasok sa huling dala­wang laro sa quarterfinals sa 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

May 3-2 karta ang Lady Stags at kailangan na lamang kunin ang panalo sa ganap na ika-2 ng hapon na tunggalian para makumpleto ang apat na koponang maglalaban-laban sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Pero determinado rin ang Lady Bulldogs na gulatin ang dating kampeon upang manatiling palaban para sa playoff sa mahalagang ikaapat na puwesto.

Hawak ang 1-4 karta pero may dalawa pang laro, kailangang walisin ng NU ang huling dalawang asignatura at manalangin na matalo din ang Lady Stags sa kanilang huling laban sa pagtatapos ng round sa Huwebes.

Huling laban ng Lady Stags ay sa Perpetual Help habang ang UST ang huling katunggali ng Lady Bulldogs

Paglalabanan naman ng UST at Perpetual Help ang solo ikalawang puwesto sa kanilang tagisan na magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon.

Tinapos ng nagdedepensang kampeon na Ate­neo ang four-game winning streak ng Lady Tigresses nang kunin ang 7-25, 25-18, 25-21, 25-20 panalo noong Linggo upang isulong ang nangungunang karta sa li­gang may-ayuda rin ng Accel at Mikasa sa 7-0 baraha.

May 16 kills si Fille Caing­let, si Thai import Phee Nok Kesinee ay may 15 hits, ka­sama ang 6 blocks habang si Dzi Gervacio ay may 4 blocks para katampukan ang panalo ng Lady Eagles.

Samantala, ang mga laro ngayon ay mapapanood ngayon ding alas-7 ng gabi sa AKTV 13 habang ang live streaming ay mapapanood sa www.v-league.ph.  

vuukle comment

DZI GERVACIO

FILLE CAING

FINAL FOUR

LADY

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LADY STAGS

LADY TIGRESSES

NATIONAL UNIVERSITY

PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with