Aparri, Gabuco sa quarters

QINHUANGDAO, China--Umabante sa quarterfinals sina light flyweight Josie Gabuco at bantamweight Alice Kate Aparri sa quarterfinal round ng 2012 World Women’s Cham­pionships dito.

 Pinayukod ni Gabuco ang paboritong si Bolortuul Tumurkhuyag ng Mongolia mula sa kanyang 6-1 lamang sa first round at 12-4 abante sa second round.

 Si Tumurkhuyag ang kumuha ng gold medal sa nakaraang Asian Women’s Championships kung saan natalo naman si Gabuco kay Chinese Yukie Luo.

Makakatapat ni Gabuco sa quarterfinals si Canadian Kim Klavel.

 Magaang na binigo naman ni Aparri si Nilmini Jayasinghe ng Sri Lanka na nakasama ng kanilang national women’s team sa isang two-week training camp sa Manila at Bohol ngayong taon.

Umiskor si Aparri, dalawang beses na naging bronze medallist sa World Championships, ng 2-1 sa first round, 6-2 sa second round at 11-5 sa third round para sa 16-8 panalo.

Lalabanan ni Aparri sa quarterfinals si Csilla Nemedi-Varga ng Hungary.

Show comments