^

PSN Palaro

Blackwater, RnW pupuwesto na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Aasinta ng mga panalo ang Blackwater Sports at RnW Pacific Pipes para ma­­katiyak ng puwesto sa quarterfinals sa pagpa­patuloy ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa San Juan Gym.

Parehong may 4-3 kar­ta at magkasalo sa ikaapat at limang puwesto, ang Elite ay makikipagsuntukan sa Cagayan Rising Suns sa ganap na alas-2 ng ha­pon bago sumunod ang bakbakan sa pagitan ng Steel Masters at Jr. Po­werade dakong alas-4.

Ang Elite at Steel Masters ay parehong papasok sa laro mula sa di magandang pagkatalo na nagla­gay ng dagok sa paghaha­bol sa awtomatikong puwesto sa semifinals.

Bumulagta ang tropa ni coach Leo Isaac nang kinaharap ang mga malalakas na koponan ng Cebuana Lhuillier (84-101) at NLEX Road Warriors (45-60) habang ang mga alipores ni coach Alfredo Jarencio ay dumapa sa Gems (86-100).

Nananalig ang mga panatiko ng Elite na manu­numbalik ang sigla ng ko­ponan dahil hindi nila ma­aaring biruin ang Suns na naghahabol pa rin ng unang panalo matapos ang walong laro.

Tulad ng Suns, talsik na ang Tigers sa 2-6 baraha pero lalaban pa rin ang mga ito para magkaroon ng disenteng pagtatapos ang ginawang kampanya sa liga.  

vuukle comment

ALFREDO JARENCIO

ANG ELITE

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JR. PO

LEO ISAAC

SHY

STEEL MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with