Celtics, 76ers pasok sa 2nd round playoffs
BOSTON --- Tawagin ninyo na siyang matanda na at maruming maglaro.
Ngunit ito lamang ang nagpalakas kay Kevin Garnett para sa Boston Celtics.
Nagalit dahil sa komento ng isang Atlanta Hawks team owner na siya ang ‘’the dirtiest guy in the league,’’ humakot si Garnett ng 28 points at 14 rebounds para igiya ang Celtics sa 83-80 panalo sa Game 6 patungo sa second round ng playoff series.
‘’Thank you to their owner for giving me some extra gas tonight,’’ wika ni Garnett. ‘’My only advice to him is next time he opens his mouth to know what he’s talking about with X’s and O’s vs. checkbooks and bottom lines.’’
Tinapos ng Boston ang kanilang first-round playoff series ng Atlanta sa 4-2.
Bubuksan ng Celtics ang Eastern Conference semifinals sa Sabado sa Boston laban sa Philadelphia 76ers na sumibak sa Eastern Conference No. 1 seed Chicago Bulls sa bisa ng 79-78.
Naimintis ni Omer Asik ang kanyang dalawang freethrows para sa Bulls sa huling 7 segundo na nagbigay sana sa kanila ng isang three-point lead.
Nasungkit ni Iguodala ang ikalawang mintis ni Asik at umarangkada papunta sa kanilang goal kung saan siya binigyan ng foul ni Asik.
Nagdagdag naman si Paul Pierce ng 18 points para sa Boston bagamat may sprained medial collateral ligament injury sa kanyang kaliwang tuhod.
Nagtala si Rajon Rondo ng 14 points at 8 assists para sa Celtics.
Ang 36-anyos na si Garnett ang sinabihan ni Hawks co-owner Michael Gearon Jr. na matanda na.
Isang jumper ni Garnett sa huling 31 segundo sa fourth quarter ang sumelyo sa panalo ng Celtics kontra sa Hawks.
Sa Denver, tinalo ng Nuggets ang Los Angeles Lakers, 113-96, sa Game 6 para itabla sa 3-3 ang kanilang serye patungo sa Game 7.
- Latest
- Trending