PHSS bill ni Rep. Angara magpapalakas sa Phl sports
MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Congressman Juan Edgardo “Sonny” Angara ng nag-iisang distrito ng Aurora Province na malapit nang mapunan ng House of Representatives ang kakulangan sa mga sports development programs sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Philippine High School for Sports (PHSS) Act of 2011.
Ang nasabing House bill ang magtatampok sa pagpapatayo ng Sports High School, iniakda ni Angara kasama ang 28 pang Congressman, na pagkukunan ng mga potensyal na atleta na maaaring magbigay sa bansa ng kauna-unahang Olympic gold medal.
Ang PHSS bill ay humihikayat ng pagkakaroon ng sports school na mag-aalok ng secondary school scholarships sa mga student-athletes na maaaring makalaro sa mga high level competitions habang nag-aaral sa pamamagitan ng isang board na itatayo ng Department of Education na ang Secretary ay magiging ex-officio Chairperson.
Tatlong kinatawan mula sa sports associations, societies o private sector ang iluluklok ng President, habang ang Senate President at ang Speaker ng House of Representatives ay maghihirang naman ng tig-isa nilang kinatawan.
Ang mga miyembro ng board buhat sa sports associations at private sector ay magsisilbi ng walong taon para matiyak ang pagpapatuloy ng mga programa.
Bibigyan sila ng seed fund ng P50 milyon na manggagaling sa annual earnings ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).
Ang supplement mula sa 10 percent ng lahat ng unclaimed at forfeited sweepstakes at lotto prizes ay hindi bababa sa P12 milyon sa loob ng apat na taon galing sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“Other countries have their own versions of a sports high school. We have lagged behind for decades in this area while have long been trying to go grassroots. But how grassroots could we get without the participation of the student-athletes?” sabi ni Angara.
- Latest
- Trending