Lady Tams may tiket na sa quarters

MANILA, Philippines - Nagsanib sa 24 kills sina Rosemarie Vargas at Thai import Eve Sanorseang upang pangunahan ang FEU sa 25-22,25-15, 25-20 panalo sa National Univer­sity at selyuhan na ang pu­westo sa quarterfinals sa Group A sa idinaos na 9th Sha­key’s V-League na handog ng Smart kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Outhit ng Lady Tamaraws ang Lady Bulldogs, 47-36, upang katampukan ang dominanteng laro upang tu­hugin ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tat­long laro na nagtulak sa FEU para samahan na ang nagdedepensang Ateneo, (3-0) sa susunod na round.

“Maganda ang execution namin mula sa opensa at depensa,” wika ni FEU coach Nes Pamilar.

May 15 kills si Vargas, habang may 9 spikes at 3 service aces si Sanorseang.

Sa ikalawang laro, ti­nalo ng nagdedepensang Ate­neo ang Southwestern Uni­versity, 25-16, 25-19, 25-19.

Show comments