Bradley patutulugin ni Pacquiao -- Khan

MANILA, Philippines - Patutulugin ni Manny Pacquiao si Timothy Bradley sa kanilang tagisan para sa suot ng una na WBO welterweight title sa Hunyo 9 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Ito ang tiniyak ni Tahir Khan, ang tiyuhin at adviser ni Amir Khan na dumating din sa bansa at nagsanay sa Baguio City kasama ni Pacquiao para sa napipintong rematch nila ni Lamont Peterson sa Mayo 19 sa Mandalay Bay Resorts and Casino sa Las Vegas.

Ayon kay Khan, matutulad si Bradley sa kapalarang inabot ni Ricky Hatton dahil di hamak na mas mal­akas ang pambansang kamao sa walang talong dating WBO light welterweight champion.

“Manny will knock out Bradley. He is rough and dirty but hasn’t really got any power to trouble Manny,” wika ng nakatatandang Khan.

Hindi pa natatalo sa 29 laban si Bradley pero may 12 KO lamang itong nairehistro na patunay na hindi siya maikokonsidera bilang isang knockout artist.

Si Pacquiao na idedepensa ang titulo sa ikaapat na pagkakataon matapos agawin ito kay Miguel Cotto noong Nobyembre 14, 20­09, ay mayroong 54 pa­­­nalo sa 59 laban at 38 dito ay natulog bago pa na­t­apos ang takdang round ng laban.

Isa sa bumulagta ay si Hatton na kinatakutan noon dahil sa 45-1 karta at 32 KO pero hindi kinaya ang mga bombang pinakawalan ng mga kamao ni Pacman para lumasap ng second round KO pagkatalo.

Hindi na nakabangon si Hatton mula sa pagkatalong ito dahil namahinga na siya sa pagbo-boxing.

“Manny will catch Bradley coming in and will be too fast and strong for him. It will be very similar to the Hatton fight,” dagdag pa ni Khan.

Show comments