MANILA, Philippines - Ginulat ni Manny Pacquiao ang mga tao nang makipag-spar siya kay Russian Ruslan Provodnikov noong Huwebes sa Baguio City.
Ito ay dahilan sa ngayong araw pa lamang sana magsisimula ang sparring session nina Pacquiao at Provodnikov.
Ginitla niya ang mga manonood dahil sa kanyang tiyempo nang makipag-spar siya kay Provodnikov.
“Manny sparred four tremendous rounds,” sabi ng kanyang chief adviser na si Mike Koncz, isa sa mga nakapanood sa sparring ni Pacquiao.
“It was a back-and-forth sparring. The guy (Provodnikov) was a little big but it was okay. I told Manny last night I was amazed and surprised with the way he sparred. I’ve never seen him that way on his first day of sparring. His timing was great and normally it takes him a week or two to show these signs,” dagdag pa ni Koncz.
Si Provodnikov na isang certified welterweigh ay nagtungo sa Baguio noong Lunes at may bigat na 160 pounds. Ngunit hindi inintindi ng 33-anyos na si Pacquiao ang kalakihan ng Russian.
Habang nasa telepono si Koncz para sa panayam, si Pacquiao ay nasa gitna ng pag-eensayo.
Ayon kay Koncz, nakatakdang bumaba si Pacquiao sa Maynila sa Huwebes at makikipag-spar sa Sabado bago bumiyahe sa Los Angeles kinagabihan.
Sa kanilang pagdating sa LA, mas bibigat pa ang training ni Pacquiao sa Wild Card Gym kung saan kumuha si trainer Freddie Roach ng dalawa pang sparring partners.