^

PSN Palaro

Beermen magpapasolido sa liderato vs Cobras

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nananalig si San Mi­guel Beermen coach Bobby Ray Parks Sr. na wala na ang anumang kumpiyansa sa kanyang bataan matapos ang muntik na pagkakadisgrasya sa hu­ling laro laban sa Singapore Slingers. 

“It was a wake up call for us. I hope we will co­me out aggressive in our next game,” wika ni Parks matapos ang 68-64 come-from-behind panalo para sa ikaapat na sunod na pa­­nalo.

Babalik sa Ynares Sports Arena sa Pasig City ang Beermen upang harapin uli ang Bangkok Cobras sa alas-6 ng gabi.

Hindi pa nananalo ang Cobras sa naunang da­lawang pagkikita ngunit hindi maaaring isantabi ang kakayahan ng expansion team mula Thailand na humirit ng panalo dahil sa 6-11 karta ay dapat nilang maipanalo ang mga nalalabing asignatura para magkaroon ng tsansang masama sa apat na koponan na aaban­te sa Playoffs.

Ang Beermen ay na­ngu­nguna ngayon sa 15-4 karta pero isang laro lamang ang agwat nila sa pu­mapangalawang AirAsia Philippine Patriots (14-4) kaya’t dapat nilang maipanalo ang nalalabing dalawang laro sa triple round elimination para matiyak ang number one spot at homecourt advantage sa playoffs.

Si Nick Fazekas na tu­mipak ng 23 puntos, 19 rebounds at 3 blocks sa huling laro ang aangkla uli sa Beermen pero makaka­t­ulong kung babalik ang husay ni Duke Crews.

Si Crews ay nalimitahan lamang sa 11 puntos mula sa 5 of 19 shooting

ANG BEERMEN

BANGKOK COBRAS

BEERMEN

BOBBY RAY PARKS SR.

DUKE CREWS

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SAN MI

SHY

SI CREWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with