^

PSN Palaro

Suns sunog sa Jazz, pasok na sa playoff

-

SALT LAKE CITY--Inang­­kin ng Utah Jazz ang isang playoff berth sa Wes­tern Conference matapos payukurin ang Phoenix Suns, 100-88, na tinampu­kan ng 26 points ni Paul Millsap at isang sariling 8-0 rat­sada ni Al Jefferson sa fourth quarter.

Maaari pang maibulsa ng Jazz ang No. 7 seed kung matatalo ang Denver Nuggets sa huling dalawang laro nito sa regular season.

Tumapos si Jefferson na may 18 points at 16 re­bounds para sa Utah, wi­nakasan ang kanilang se­ven-game losing slump laban sa Suns sapul noong Marso 2010.

Umiskor naman sina Jared Dudley at Michael Redd ng tig-15 points para sa Phoenix kasunod ang 12 ni Hakim Warrick.

Mula sa 85-80 bentahe kontra sa Suns, walong sunod na puntos ang ginawa ni Jefferson para selyuhan ang tagumpay ng Jazz.

Sa Atlanta, umiskor si Joe Johnson ng 28 points para igiya ang Atlanta Hawks sa 109-102 paggupo sa Los Angeles Clippers at palakasin ang kanilang pag-angkin sa home-court advantage sa first round ng playoffs.

Ang desperadong three-pointer ni Johnson bago ang pagtunog ng kanilang shot clock sa huling 38 segundo ng fourth quarter ang naging sandigan ng Hawks para kunin ang 103-96 bentahe laban sa Clippers.

Naglista naman si Blake Griffin ng season-high 36 points, habang may 34 points si Chris Paul para sa Clippers.

Maaaring makuha ng Hawks ang home-court advantage sa kanilang opening-round series ng Boston Celtics sa pamamagitan ng kanilang panalo sa regular-season finale laban sa Dallas Mavericks sa Huwebes.

Makukuha din nila ito sa­kaling yumukod ang Celtics kontra sa Milwaukee Bucks.

AL JEFFERSON

ATLANTA HAWKS

BLAKE GRIFFIN

BOSTON CELTICS

CHRIS PAUL

DALLAS MAVERICKS

DENVER NUGGETS

HAKIM WARRICK

JARED DUDLEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with