^

PSN Palaro

Petalcurin umiskor ng unanimous decision win

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tatlong beses pinahalik sa lona ni Randy Petalcurin si Smartlek Chaiyong-gym ng Thailand patungo sa isang 12-round unanimous decision win at mapanati­ling hawak ang Pan-Asian Bo­xing Association (PABA) light flyweight title noong Sa­bado ng gabi sa Manda­luyong City gym.

Handog ng AKTV, ki­non­trol ni Petalcurin ang ka­buuan ng laban para hu­mugot ng 118-107 puntos kay judge Gil Robiego Co, 119-106 kay judge Ver Abainza at 116-109 kay judge Chalerm Prayadsab ng Thailand.

Sa sixth round ay na­sak­tan ni Chaiyong-gym si Pe­talcurin nang tamaan ng right straight ngunit bumawi ito at inararo ng suntok ang Thai upang mabilangan ng standing eight-count.

“Kinapos ako at nawalan na ng hangin pero na­ka­rekober naman agad ako,” wika ng 20 anyos na tu­bong General Santos Ci­ty na may 17-1-0 win-loss-draw ring record nga­yon ka­sama ang 13 KOs.

 Nalaglag ang Thai cha­llenger sa ikaapat na ka­biguan matapos ang 12 la­ban at ikalawa sa huling tatlong laban.

Bagamat hindi natulog sa kaagahan ng bakbakan, si Chaiyong-gym ay kulang na­man sa bilis sa pag­suntok.

Sa iba pang laban, nauwi sa technical draw sa fourth round ang labanan nina Jhun­riel Ramonal at Ariel Del­gado para sa Philippine Bo­xing Federation (PBF) su­per bantamweight title.

ARIEL DEL

CHAIYONG

CHALERM PRAYADSAB

GENERAL SANTOS CI

GIL ROBIEGO CO

PAN-ASIAN BO

PHILIPPINE BO

RANDY PETALCURIN

SHY

SMARTLEK CHAIYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with