Pagulayan tinalo si Tao, 9-6

MANILA, Philippines - Nagsalpak ng mag­kasu­nod na racks si Filipino Alex ‘The Lion’ Pagulayan pa­ra talunin si Liu Hai Tao ng China, 9-6, patungo sa pagdomina sa Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face-Off Series noong Sa­bado ng gabi sa Pagcor Air­port Casino sa Paraña­que City.

Ang nasabing tagum­pay ay nagkakahalaga ng $5,000 para kay Pagula­yan, habang nagkasya naman si Liu sa $2,500 sa winner's break format na pinamagatang ‘Philippines versus Asia’.

Ang Team Philippines ay tumabla sa Team Asia sa 4-4.

"The ball rolls in my fa­vor in the end game," sabi ng dating WPA World 9-ball champion na si Pagulayan na kumuha ng 6-3 at 7-6 ka­lamangan at hindi na ni­lingon pa si Tao.

Una dito, tinalo ni Taiwa­nese Chang Yu Long si Fi­lipino Ronato Alcano, 9-7, noong Marso 31 para ku­­nin ng Team Asia ang 4-3 abante kontra sa Team Philippines.

Ang PBB Face Off series ay magpapatuloy sa Abril 21 kung saan maka­ka­tapat ni Liu si Dennis ‘Robocop’ Orcollo at haharapin na­man ni Fong Pang Chao ng Chinese-Taipei si Lee Van ‘The Slayer’ Corteza sa Abril 28.

Show comments