Blackwater inilaglag ang Big Chill

MANILA, Philippines - Nabawi ng Blackwater Sports ang tikas matapos ang panandaliang pagkulapso para kunin ang 64-61 panalo sa Big Chill at angkinin ang solo ikalawang puwesto sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 Ipinasok ni AJ Mandani ang dalawang krusyal na freethrows sa huling 3.6 segundo at ang Super Chargers ay nakitaan ng mga errors sa mga naunang play upang manalo pa ang Elite kahit naubos ang 56-37 bentahe na kanilang hawak may 9:30 sa orasan.

 “Nakauna kami pero may mga crucial stops ang Big Chill at nawala ang focus ng mga bata. Pero batang team ito at kahit nangyari ito, ang mahalaga ay nanalo kami at naipakita na kaya naming labanan ang mga title contenders sa ligang ito,” wika ni Leo Isaac na umangat sa 4-1 karta.

May 12 puntos si Mandani at ang kanyang free throws ay mula sa foul ni Keith Jensen.

May tsansa pa ang Super Chargers na maihirit ang tabla, pero sablay ang binitiwang tres ni Mar Villa­hermosa na siyang nag­paningas sa pagba­ngon ng kanyang koponan at nakadikit pa sa 61-62.

Si Jensen ay mayroong 17 puntos para sa Super Chargers na nakitang nagwakas ang tatlong sunod na panalo sa ilalim ng pagdiskarte ni Robert Sison para sa 3-2 baraha.

Naagaw na ng Cebuana Lhuillier ang ikatlong puwesto nang kalusin ang Cagayan Rising Suns, 82-55, sa unang laro.

Hindi ininda ng Gems ang patuloy na di paglalaro nina Kevin Alas, Yousef Taha at Lester Alvarez dahil apat na manlalaro ang naghatid ng doble pigura para kay coach Luigi Trillo.

Si Raymond Almazan ay mayroong 12 puntos at 4 blocks habang sina Parri Llagas AT Vic Manuel ay tumapos ng tig- 11 puntos. puntos.

Blackwater Sports--Nabong 12, Mandani 12, Zamar 10, Bautista 10, Ciriacruz 9, Pascual 6, Celiz 5, Camus 0.

Big Chill 61--Jensen 17, Ponferada 10, Tan 10, Villahermosa 7, Mallari 6, Montilla 4, Santos 3, Collado 2, Reyes 2, Viernes 0.

Quarterscores:21-14; 39-28; 53-37; 64-61. 

Show comments