Checkmate chess clinic sa Cabuyao, San Pablo at Dagupan

MANILA, Philippines - Susulong sa Martes ang provincial sorties ng Milo-sponsored Checkmate summer chess clinics sa Cabuyao at San Pablo City (Abril 10) kasabay ng pagbubukas ng panibagong batch sa Dagupan City bago tumungo sa Paniqui, Tarlac sa Abril 13.

Gaganapin ang chess clinic sa Cabuyao sa Angels in Heaven School sa #138 Bonifacio St. mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon. Idaraos naman ang clinic sa San Pablo sa 3F Lobby cinema ng Ultimart Shopping Plaza sa M. Paulino St. mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

At sa Dagupan, para sa panibagong batch ay na-katakda sa Abril 10-12 sa Nepo Mall (2F Nepo Lane) mula alas-10 ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi bago tutungo sa P.O Domingo Montessori School sa F. M. Domingo St., Pob-lacion Sur, Paniqui, Tarlac mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ang interasadong par­tido ay inaabisuhan na mag-enroll sa mapipiling venue sa unang araw ng clinic o kaya tumawag sa or­ganizer, Metropolitan Chess Club sa 0922-758-1301 at 0935-370-8808 o makipag-ugnayan sa mga sumusunod: Cabuyao - 049- 531- 4865 c/o teacher Ruby; San Pablo City - 049 - 562- 9701 c/o Ms. Grace Quiñola; Dagupan: 075-515-8784 c/o Ms. Walu Dacanay at Tarlac: 045-931-2334 c/o Ms. Josie accoun­ting department.

Show comments