Alaska at B-Meg nakatabla
MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, hindi pumayag ang Aces at Llamados na mawalis sa kani-kanilang mga quarterfinals series.
Binalasa ng Alaska ang Barako Bull, 99-92, habang pinayukod ng B-Meg ang Meralco, 95-85, sa Game Two para itabla sa 1-1 ang kanilang mga best-of-three quarterfinals showdown sa 2012 PBA Commissioner's Cup kagabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Bumawi ang Aces buhat sa kanilang 90-103 kabiguan sa Energy sa Game One noong Linggo.
Lalabanan ng No. 1 at nagdedepensang Talk ‘N Text sa best-of-five semifinals wars ang mananalo sa labanan ng Alaska at Barako Bull.
Humakot naman si forward Marc Pingris ng 21 points at 9 rebounds para rendahan ang pagresbak ng Llamados ni Tim Cone mula sa kanilang 81-103 kabiguan sa Game One noong Linggo.
“Pingris was awesome. We found a role for him. He played limited minutes in Game One,” sabi ni Cone kay Pingris. “We felt going small, but this time we got Ping (Pingris) in the gameplan. He just has great character to play that hard, to play that well. He was a big presence in all facets of the game.”
Ang mananalo sa pagitan ng B-Meg at Meralco ang siyang haharap sa No. 2 Barangay Ginebra sa isang best-of-five semifinals series.
Kaagad na nag-init ang opensa ng Llamados nang kunin ang 23-6 abante sa first period patungo sa pagtatayo ng isang 23-point advantage sa halftime.
Sa first half napatalsik sa laro si Bolts’ scorer Mac Cardona dahil sa kanyang paniniko sa ulo ni import Denzel Bowles para sa kanyang ikalawang Flagrant Foul 1 sa laro.
Sa likod nina import Earl Barron, Sol Mercado, Mark Macapagal at Asi Taulava, nakalapit ang Meralco sa 57-64 agwat sa 3:44 ng third period bago muling nakalayo ang B-Meg sa final canto.
B-Meg 95 - Pingris 21, Bowles 20, Simon 15, Urbiztondo 13, Devance 10, Yap 8, Intal 4, Barroca 2, Reavis 2, De Ocampo 0.
Meralco 85 - Barron 39, Mercado 18, Macapagal 9, Taulava 7, Ross 4, Timberlake 2, Yee 2, Aljamal 2, Cardona 2, Borboran 0, Hugnatan 0.
Quarterscores: 32-13; 52-29; 76-68; 95-85.
Alaska 99 - Tenorio 22, Baguio 20, Thoss 17, Baracael 16, Parada 12, Eman 7, Gonzales 3, Custodio 2, Reyes 0.
Barako Bull 92 - Freeman 22, Seigle 19, Tubid 15, Miller 13, Allado 8, Pennisi 6, Arboleda 5, Pena 4, Gatumbato 0, Weinstein 0, Najorda 0, Salvador 0.
Quarterscores: 28-34; 48-48; 77-63; 99-92.
- Latest
- Trending