^

PSN Palaro

RnW, Blackwater Sports Nakalusot

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi pinapuntos ng de­­pensa ng RnW Pacific Pipes ang Erase Plantcenta sa huling 1:54 upang mailusot ang 74-73 panalo sa pagpapatuloy kahapon ng PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan.

Angat ang Erasers sa 73-70 sa buslo ni Jet Vidal pero napako na sila rito.

Si Raymond Ilagan ang tumayong bayani para sa Steel Masters nang maipasok ang hook shot laban sa depensa ni Macky Acosta upang ibigay ang isang pun­tos kalamangan may 1:07 sa orasan.

Nagpalitan ng sablay ang magkabilang kampo at ang bola ay napunta sa Erasers. Pero walang su­werte si Anthony Del Rio nang hindi pumasok ang pinakawalang tres para ibigay sa RnW ang ikalawang panalo sa apat na laro.

“Where still in the process of getting-to-know you. Pero habang tumatagal ay nagkakaroon ng prog­ress. Malaki ang maitu­tulong ng panalong ito sa morale ng team,” wika ng bagong coach na si Alfredo Jarencio.

Tumapos si Ilagan taglay ang 21 puntos bukod sa 12 rebounds habang si JR Buensuceso ay nag-ambag pa ng 19 puntos.

May 17 puntos sina Acosta at Jayvie Ferreria pero hindi nila kinaya na ibangon ang koponan upang malaglag sa 1-3 karta.

Umarangkada naman ang opensa ng Blackwater Sports sa huling yugto upang ang naunang dikitang labanan ay nauwi sa 67-56 panalo sa Boracay Rum.

Ginamit ng Elite ang matinding 25-7 palitan sa huling walong minuto ng tunggalian upang balewa­lain ang 40-48 iskor matapos ang ikatlong yugto.

May 3-1 karta ngayon ang Elite para makasalo sa Big Chill sa ikalawang puwesto.

ALFREDO JARENCIO

ANTHONY DEL RIO

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERASE PLANTCENTA

JAYVIE FERRERIA

JET VIDAL

MACKY ACOSTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with