^

PSN Palaro

Cebuana makikisalo sa liderato sa D-League

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ang pananatiling katabla sa liderato ang naka­ta­ya para sa Cebuana Lhuillier sa 2012 PBA D-League Foun­dation Cup ngayon sa San Juan Arena.

Katunggali ng Gems ang Big Chill sa tampok na laro sa alas-4 ng ha­pon at ang ma­nanalo ay ma­kakasung­kit ng ikatlong su­nod na pa­­nalo.

Parehong nasa two-ga­me winning run ang Gems at Super Chargers pero nauna ng natalo ang huli para malagay sa ikatlong puwesto kasalo ang pa­hingang Blackwater Sports.

Balak naman ng Jr. Po­­werade na makaba­ngon matapos ang 53-86 pag­kadurog sa mga kamay ng back-to-back defending champion NLEX sa huling laro sa pakikipagtipan sa ba­gitong Cagayan Rising Suns sa alas-2 ng hapon.

Paborito ang tropa ni coach Ricky Dandan dahil ang Suns na patuloy na hahawakan ni Francis Rod­riguez ay hindi pa nakakati­kim ng panalo matapos ang magkasunod na laro.

 Galing ang Gems sa 70-58 at 84-72 panalo laban sa Boracay Rum at Café France sa kanilang unang dalawang laro at kahit impresibo ang tropa ni coach Luigi Trillo, alam naman ng beteranong coach na sa Super Chargers sila tunay na masusukat.

Matapos matalo sa NLEX, 70-80, ay kumub­ra ng magkadikit na pana­lo ang Big Chill sa Café France (74-73) at sa Caga­yan Rising Suns (98-66) na nangyari sa pagdadala ni Ro­bert Sison.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUN

FRANCIS ROD

JR. PO

SHY

SUPER CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with