Bryant inilusot ang Lakers; Duncan nagbida sa Spurs
LOS ANGELES — Habang may natitira pang oras sa laban ay may magagawa pang himala si Kobe Bryant at kahit na malamya pa ang kanyang laro.
Nagsalpak si Bryant ng isang 3-pointer sa natitirang 20 segundo matapos imintis ang una niyang 15 tira para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 88-85 paglusot laban sa New Orleans Hornets.
Ito ang pangatlong fieldgoal lamang ni Bryant sa kabuuan ng laro para sa kanyang 11 points mula sa masamang 3-of-21 fieldgoal shooting.
Tinapos ng Lakers ang kanilang two-game skid sa Staples Center.
Humakot si Pau Gasol ng 21 points at 11 rebounds para sa Lakers, habang may 19 points at 10 boards si Bynum at nag-ambag si Ramon Sessions ng 10 points at 10 assists.
Naglista si Bryant ng 0-for-7 clip sa 3-point line bago niya isalpak ang isang tres.
“I’m stubborn. You have to have that kind of attitude, that kind of determination or stubbornness,” ani Bryant. “That’s what gets teams over the hump to win multiple championships.”
Nagposte naman si Jarrett Jack ng 18 points at 10 assists para sa Hornets sa kabila ng iniindang sprained right ankle injury.
Naimintis niya ang kanyang go-ahead bank shot sa huling 4.9 segundo.
Iniwanan ng Hornets ang Lakers, 65-75, bago isalpak ni Bryant ang isang 17-foot jumper laban kay Marco Belinelli sa 7:52 sa fourth quarter para sa una niyang fieldgoal.
Sa San Antonio, humakot si Tim Duncan ng 3 points at 11 rebounds para igiya ang Spurs sa 112-103 tagumpay laban sa Indiana Pacers.
Ang Spurs ang pinakamainit na koponan ngayon sa NBA mula sa kanilang pang pitong sunod na panalo at pang 10 sa huli nilang 11 laro.
Ito naman ang ikaapat na double-double ni Duncan sa kanyang huling anim na laro.
- Latest
- Trending