MANILA, Philippines - Muling ipinakita ng mga Pinay ang talento sa international cheerleading competition matapos kunin ang korona sa 2nd Southeast Asian Cheerleading Open sa Singapore noong Sabado.
Matagumpay na naidepensa ng Team Pilipinas All-Girls Elite ang kanilang titulong napanalunan noong nakaraang taon sa likod ng kanilang magandang routine.
Ang mga miyembro ng Team Pilipinas All-Girls Elite ay hinugot mula sa iba’t ibang high school teams at sinanay ng mga coaches buhat sa ilang eskuwelahan.
Tinalo ng Team Pilipinas All-Girls Elite ang dalawang Malaysian squads.
Nabigo namang makasali ang isang koponan ng bansa sa adult co-ed division matapos hindi makasakay sa kanilang flight patungong Singapore.