Beermen kumuha ng 2 bagong import para palakasin ang kampanya sa ABL

MANILA, Philippines - Pinalakas pa ng San Mi­guel Beermen ang ka­nilang laban sa 3rd Air- Asia ASEAN Basketball League sa pagkuha ng mga bagong imports.

Si Willard Vincent Duke Crews Jr. ay napapirma na ng Beermen kahalili ni Dalron Johnson habang may ulat na si Nick Fazekas ay darating din upang ha­linhinan si Jarrid Famous sa hangarin ng koponan na mas mapag-init ang kam­panya sa walong kopo­nang liga.

Sa ngayon ay nasa ika­lawang puwesto ang ko­ponang hawak ni coach Bobby Ray Parks Jr. sa 10-4 baraha ngunit ga­ling sila sa talo sa kamay ng Saigon Heat noong Sabado, 63-66, na nilaro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“San Miguel Beermen has signed Duke Crews to replace Dalron Johnson and he will play his first game against Indonesia Warriors on Saturday,” wika ni SMC sports consultant Noli Eala.

Si Johnson ay naghahatid ng 18.4 puntos, 9.7 rebounds at 2.9 assists sa naunang 14 na laro ng koponan ngunit nalimitahan lamang siya sa 2 puntos sa natalong laro kontra sa bagitong Heats.

Naglaro si Crews sa Rain or Shine pero libre ng sumali sa ibang liga dahil namaalam na ang Elasto Painters sa PBA Commissioner’s Cup.

Mas titikas ang Beeermen sa pagpasok ni Fa­zekas na naghatid ng impresibong numero na 30.6 puntos, 18 rebounds, 2.3 blocks, 2 assists at 1.1 steals habang suot ang uniporme ng Petron Blaze.

Pero hindi kinaya ng 6’11 import na bitbitin sa mas magandang karta ang Petron dahil may 3-4 win-loss siya nang palitan ni Will McDonald.

Sa official twitter ni Fa­­zekas, sinabi niyang tinanggap na niya ang alok na maglaro sa Beermen.

Sa pagpasok ng dalawang bagong import, ang Beermen ang siyang lalabas na may pinamakara­ming palitan ng dayuhang manlalaro dahil nauna na nilang sinibak sina Richard Jeter at Doug Thomas.

Show comments