Dragic humataw sa Rockets

HOUSTON--Binigyan ng mahigpit na yakap ni Kobe Bryant si Goran Dra­gic matapos magbida ang pointguard sa 107-104 panalo ng Houston Roc­kets laban sa Los Angeles Lakers.

Isinalpak ni Dragic ang isang go-ahead 3-pointer sa huling 28 segundo sa fourth quarter at tumapos na may 16 points at 13 assists para sa pananaig ng Rockets sa Lakers.

Iniwanan ng Lakers ng siyam na puntos sa huling 5 minuto, nagsagawa ang Rockets ng isang 12-0 run para agawin ang unahan.

Humugot si Dragic ng 10 points sa final quarter, tam­pok dito ang kanyang ikalawang tres na sumel­yo sa panalo ng Rockets.

Naging problema na ni Bryant at ng Lakers ang pagbabantay kay Dragic nang ito ay back-up pa la­mang ni Steve Nash sa Phoenix Suns. Nagtala ang Lakers ng 15 turnovers at tinalo rin ng Rockets sa reboun­ding, 40-3.

Show comments