Local riders kayang makipagsabayan sa 11 foreign teams

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si cycling ‘Godfather’ at dating cycling president Bert Lina na magbibigay ng magandang laban ang anim na local teams laban sa 11 foreign squads para sa Le Tour de Filipinas 2012.

“I’m very sure that they will come out strong since ang bansa natin ang host,” wika kahapon ni Lina sa pag­lulunsad ng naturang cycling event sa Manila Hotel na dinaluhan nina PhilCycling chief at Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino.

Papadyak ang Le Tour de Filipinas 2012 sa Abril 14-17 na maglalakbay sa Cagayan, Tuguegarao, Nueva Vizcaya at Baguio City.

Ang mga locals teams ay kinabibilangan ng Smart, Go21, LPGMA/Ame­rican Vinyl, Mail and More at KIA.

Ang mga foreign squads ay binubuo naman ng TPT ng Iran, CCN ng Taiwan, Terengganu ng Malaysia, OCBC ng Singapore, Pure Black ng New Zeland, Uzbekistan Suren ng Ubekistan, Plan B ng Australia, Aisan Racing ng Japan, RTS/GiantKenda ng Taiwan, Colossi Miche ng Indonesia at Dutch Global ng Netherland.  

Ang Dynamic Outsour­ce Solutions, Inc. (Dos-1), ang organizer ng natata­nging international race sa bansa na kabilang sa Asia Tour calendar ng Union Cycliste Internationale (UCI), ay may inihandang dramatikong final stage na dadaan sa tinatawag na ‘Northern Alps’.

Ang Stage One ay papadyak sa Abril 14 sa Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan na may distansyang 155.75 kilometro kasunod ang Stage Two na mayroong 110 kilometro mula sa Tuguegarao hanggang sa Cauayan City, habang ang Stage Three ay isang maikling 102-km ride sa Bayombong bilang paghahanda sa 153-km race sa Baguio City kinabukasan.

Show comments