^

PSN Palaro

Exhibit A

PRESS ROW - Abac Cordero -

Dahil sa pagkapanalo ng mga Azkals laban sa India nung Linggo ay tila humupa ang matinding issue ng sexual harassment na ibinato sa dalawa nitong mga miyembro.

Pero para tuluyan nang malaman ang katotohanan ay puwede sigurong iharap ni Angel Guirado sa publiko ang kanyang briefs na sangkot sa mainit na kontrobersiya.

Sinabi ni Cristy Ramos, anak ng dating pangulong FVR at dating hepe ng Philippine Olympic Committee, na humarap si Guirado sa kanya ng naka-briefs lang.

Ayon kay Ramos, na match commissioner sa laban ng Azkals at Malaysia sa Rizal Stadium, nabastusan siya sa ginawa ni Guirado, at lalu na ng magtawanan ang mga players sa loob ng dressing room.

Sangkot din ang player na si Lexton Moy, na sinabi naman ni Ramos na tumabi sa kanya at tila nagbanggit ng sukat ng kanyang bra. Nasundan din ito ng tawanan mula sa mga Azkals.

Nag-issue na ng apology si Moy sa mga pahayagan, habang nasa Nepal ang mga Azkals para sa Asian Challenge Cup. Pero wala namang reaction si Ramos kung sapat na ito.

Si Guirado naman, na isang Filipino-Spanish, ay nag­matigas na hindi siya naka-briefs nang humarap siya kay Ramos. Ayon sa kanya, siya ay naka-shorts.

Pati si FVR at ang dating First Lady na si Ming Ra­mos ay nagsalita na tungkol sa issue.

Natural, sa panig sila ng kanilang anak.

“Behave,” ang bilin ni FVR sa mga Azkals.

Umusok ang kontrobersiya hanggang umalis ang mga Azkals patungo ng Nepal. Nagsabi ang team mana­ger na si Dan Palami na sobrang apek­tado ang mga players sa nangyari,

Sa kanilang unang laro, natalo sila sa North Korea, at nung Linggo ay naka­bawi sila sa pamamagitan ng isang 2-0 win laban sa India, ang dating kampeon sa Challenge Cup.

Sino ngayon ang nag­si­­si­nungaling?

Ang alam ko kasi ay may briefs na parang shorts. Boxers ang tawag di­to. At mayroon ding briefs na ala-bikini ang da­ting.

Kung bikini briefs nga ang suot ni Guirado ay hin­di nga siguro siya dapat tumayo sa harap ni Ramos ng ganun dahil baka iba ang matanaw.

Pero kung boxers naman ang suot niya ay muk­­hang wala naman ma­sama dito. Hindi mas­ya­dong bulgar ang dating.

Kaya kung kunwari lang at umabot sa korte ang issue na ito, sana ay huwag naman, nararapat si­guro iharap at ipakita ni Gui­ra­do sa husgado ang suot niyang briefs or shorts nung araw na yun.

Bilang ebidensiya, ta­wagin natin itong “Exhibit A.”

vuukle comment

ANGEL GUIRADO

ASIAN CHALLENGE CUP

AYON

AZKALS

BRIEFS

GUIRADO

PERO

RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with