^

PSN Palaro

Beermen nilasing ang Slammers

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang dominasyon ng San Miguel Beermen sa nagdedepensang Chang Thailand Slammers nang kunin ang ikalawang sunod na panalo sa bisa ng 92-77 panalo sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Leo Avenido ang mu­ling bumandera sa Beermen sa kanyang 26 puntos habang pinakamagandang offensive game ang nahila ng koponan kay Jarrid Famos at ang dalawang ito ang nagtambal sa first half upang bigyan agad ang home team ng 51-30 bentahe.

 Tig-12 mula sa pinagsamang 10 of 15 shooting ang inihatid nina Avenido at Famous sa first half upang matiyak ang paglagok ng tropa ni coach Bobby Ray Parks Sr. ng ikatlong dikit na panalo at 8-3 kabuuang baraha.

Ang 6’11 na si Famous na dating naglaro sa Mera­l­co Bolts sa PBA ay tumapos taglay ang 18 puntos sa 8 of 14 shooting habang ang ka­tambal na si Dalron Johnson ay may 15 marka sa 6 of 8 shooting.

Si Aries Dimaunahan ay mayroong 9 na puntos at ang magkasunod na tres ang nakatulong para hawakan ng koponan ang pinakamala­king kalamangan sa laro na 30 puntos, 79-49.

Sinikap ng Slammers na bumangon at ang 18-0 bomba ang nagtapyas sa kalamangan sa 12 puntos, 82-70, pero isinalpak ni Avenido ang kanyang ika­lawang tres sa huling yugto habang naghatid pa ng isa si Johnson upang tuluyang tapusin ang laban ng bisitang koponan sa tinanganang 88-72 bentahe may isang minuto sa orasan.

May 29 puntos si Demetrious Proby mula sa 13 of 23 shooting bukod pa sa 9 rebounds habang si Calvin Williams ay naghatid pa ng 18 pero hindi kinaya ng dalawang imports ang team effort na ipinakita ng Beermen para mabigo sa hangaring maipaghiganti ang 59-68 kabiguan na nangyari sa unang pagtutuos.

AVENIDO

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BOBBY RAY PARKS SR.

CALVIN WILLIAMS

CHANG THAILAND SLAMMERS

DALRON JOHNSON

DEMETRIOUS PROBY

JARRID FAMOS

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with