^

PSN Palaro

Weiss tiwala pa rin sa tsansa ng Azkals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mataas pa rin ang paniniwala ni Philippine Azkals coach Hans Michael Weiss sa tsansa ng koponan na makaabante sa idinadaos na 2012 AFC Challenge Cup sa Nepal.

“I can see a lot of positives from the match,” wika ni Weiss na ang tinutukoy ay ang 0-2 kabiguan ng Azkals sa kamay ng World Cup veteran at defending champion North Korea noong Biyer­nes ng gabi.

Tinuran niya ang ma­gandang depensa na nakita sa team na siyang dapat na maulit sa pagharap nila ngayon laban sa India na itinakda sa ganap na alas-7:15 ng gabi sa mas mala­king Dashrath Stadium sa Nepal.

Gaya ng Pilipinas, ang India na kampeon noong 2008, ay nangangailangan din ng panalo matapos lasa­pin ang 0-2 kabiguan sa kamay ng Tajikistan.

“We have to accept the loss. We still have two more matches and we will see what will happen,” ani Indian coach Sa­vio Medeira.

Di hamak na mas be­te­rano ang India kung pagla­laro sa Challenge Cup ang pag-uusapan dahil na­ging kampeon sila noong isinagawa ang torneo sa kanilang lugar.

Pero may laban ang Az­kals dahil sa pagbaba rin ng kalidad ng laro ng ka­tunggaling koponan.

Bukod sa katotohanang hindi nakatikim ng panalo ang Indian team sa group elimination noong 2010 na pinagharian ng North Korea, mas mababa rin ng dalawang puwesto ang Indian team sa FIFA ran­kings kumpara sa Pilipinas na nasa 156.

Ang mananalong koponan ay magkakaroon pa ng pagkakataong makaabante sa crossover semifinals na paglalabanan sa Marso 16 lalo na kung maipanalo pa ang nalalabing asignatura sa Martes.

Huling laro ng Pilipinas ay ang Tajikistan habang ang North Korea ang babanggain ng India.

Ang goalie na si Neil Etheridge kasama sina Phil Younghusband, Angel Guirado at kung nasa mas maayos na kalusugan, Chieffy Caligdong, ang mga mangunguna sa Azkals sa mahalagang laban na ito.

Magsusukatan muna ang Tajikistan at North Korea sa unang laro at ang mananalo ay makakatiyak na ng puwesto sa semifinals.

vuukle comment

ANGEL GUIRADO

AZKALS

CHALLENGE CUP

CHIEFFY CALIGDONG

DASHRATH STADIUM

HANS MICHAEL WEISS

NORTH KOREA

PILIPINAS

SHY

TAJIKISTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with