^

PSN Palaro

Garcia naduwag, planong 'prioritization' binawi

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Lumambot ang PSC sa naunang matibay na posis­yon hinggil sa pagpapairal ng prioritization sa hanay ng Pambansang atleta.

Nagdesisyon ang pamunuan ng PSC sa pangu­nguna ni chairman Ricardo Garcia na pansamantalang isantabi ang planong alisin ang mga monthly allowances at iba pang suporta na ibinibigay sa mga atletang hin­di nakapagbigay ng medalya sa individual events sa idinaos na 26th SEA Games sa Indonesia.

Sa naunang plano, hanggang Pebrero 29 na lamang makakatanggap ng ayuda ang mga atletang di nakapagbigay ng karangalan at sila ay paaalisin na rin sa kanilang mga quarters mula Marso 1.

Nagpulong noong Huwebes sina Garcia at POC president Jose Cojuangco Jr. at dito ay napahinahon ng huli ang una upang bawiin pansamantala ang plano.

May nagsasabi ring ikinakasa na ng mga naapektuhang atleta at mga National Sports Association (NSAs) ang protesta at dudulog sila sa Malacañang lalo pa’t ikinakatuwiran ng PSC na si Pangulong Benigno Aquino III ang may nais na magbawas ng sinusuportahan ang ahensyang nangangalinga sa sports ng bansa at ituon ito sa mga sports na may kakayahang manalo sa mala­kihang kompetisyon sa labas ng bansa.

Sa kasalukuyan ay nirerebisa pa ng PSC ang mga isinumiteng pangalan ng atleta mula sa mga NSAs at mga ginagawang apela kaya’t minarapat ng Komisyon na huwag munang itodo ang prioritization.

Maliban sa pagsuporta lamang sa mga manlalarong manalo sa individual events, may sampung sports na sa kanilang palagay ay mananalo sa Asian at World Cham­pionships bukod sa Olympics ang kanilang pina­nga­lanan na bibigyan ng mas malaking ayuda kumpara sa ibang NSAs.

GARCIA

HUWEBES

JOSE COJUANGCO JR.

KOMISYON

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RICARDO GARCIA

SHY

WORLD CHAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with