'Northern Alps' highlight sa 2012 Le Tour
MANILA, Philippines - Muling papagitna sa Abril ang mga siklista para sa 2012 Le Tour de Filipinas.
Sa pagbabalik ng Air21 bilang presentor ng Le Tour na kilala bilang multi-stage road cycling summer spectacle sa bansa, ang edisyon ngayong taon na pakakawalan sa Abril 14-17 ay sisimulan sa Sta. Ana, Cagayan at magtatapos sa Burnham Park sa Baguio City.
Ang Dynamic Outsource Solutions, Inc. (Dos-1), ang organizer ng natatanging international race sa bansa na kabilang sa Asia Tour calendar ng Union Cycliste Internationale (UCI), ay naghanda ng isang dramatikong final stage na dadaan sa tinatawag na “Northern Alps,” isang mountain-top ride sa Cordilleras.
Tatlong akyatan ang susukat sa lakas at tibay ng mga siklista mula sa 10 international teams buhat sa Europe at Asia at lima naman sa Pilipinas.
“The first three stages (of the four-stage international race) are a sprinters’ paradise, but come the ‘Northern Alps,’ the complexion of the race drastically and dramatically changes. This is where you separate the men from the boys,” sabi ni Dos-1 president at race organizer Gary Cayton.
- Latest
- Trending